Pormal nang iginawad ng Department of Information and Communications Technology ang apat (4) na Laptop, apat (4) na Headset, at isang (1) Printer

05 JANUARY 2022 | Pormal nang iginawad ng Department of Information and Communications Technology ang apat (4) na Laptop, apat (4) na Headset, at isang (1) Printer para sa muling pagbubukas at paglulunsad ng Tech4ed Facility sa Municipal Library ng ating bayan.
Ito ay naging posible dahil sa kagustuhan ng ating butihing Punong Bayan na si Mayor Estelita M. Aquino na isulong pa ang kalidad ng edukasyon sa ating bayan sa kabila ng pandemya katuwang ang ating Information Technologist na si G. Arnold Aristotle Gabriel na siyang nanguna sa pagtatatag ng Tech4ed Facility.
Ang mga kagamitang ito ay maaaring gamitin ng mga estudyante at mga guro para sa kanilang gawaing pampaaralan.
Labis din ang pasasalamat ni Mayor Aquino kay G. Edwin G. Mendoza, Provincial Head ng DICT Tarlac at kay G. Reynaldo T. Sy, Regional Director ng DICT Luzon Cluster sa kanilang agarang pagtugon sa kanyang letter of request para sa mga kagamitang ito.
Ating abangan ang muling pagbubukas ng ating Tech4ed Facility sa ating Municipal Library.
#SulongEdukalidad

Municipal Hall

Moncada Town Hall, McArthur Highway, Poblacion I, Moncada, Tarlac 2308

Contact

(045) 606 – 5374 / (045) 606 – 5405 / (045) 606 – 5406

Copyright © 2020. Municipality of Moncada, Province of Tarlac. All rights reserved.

Official Website of Municipality of Moncada