Iginawad sa SANTAROCAVI FARMERS ASSOCIATION INC. ang isang (1) unit ng Four- Wheel Tractor at tatlong (3) unit ng Hand Tractor


Sa adhikaing maipagpatuloy ang paghahatid ng malasakit sa ating mga kababayang magsasaka at sa inisyatibo ng ating butihing Punong Bayan na si Mayor Estelita M. Aquino ay iginawad sa SANTAROCAVI FARMERS ASSOCIATION INC. ang isang (1) unit ng Four- Wheel Tractor at tatlong (3) unit ng Hand Tractor upang mas mapagaan ang mga gawain sa pagsasaka.
Naging posible ang pag-gawad ng mga kagamitan sa tulong ng Department of Agriculture – Regional Field Office III, mga Lokal na Pamahalaan at maayos na paghawak at pag-budget sa Rice Competitiveness Enhancement Fund ng Pamahalaang Bayan ng Moncada.

 

Municipal Hall

Moncada Town Hall, McArthur Highway, Poblacion I, Moncada, Tarlac 2308

Contact

(045) 606 – 5374 / (045) 606 – 5405 / (045) 606 – 5406

Copyright © 2020. Municipality of Moncada, Province of Tarlac. All rights reserved.

Official Website of Municipality of Moncada