Maligayang pagdating sa MONCADA!
Ang inyong abang lingkod ay lubos ang pasasalamat sa muli ninyong iginawad na suporta , tiwala at pagtanggap sa amin sa muling pagkakataon na makapaglingkod sa ating bayan.
Nawa’y mas mapalaganap natin ang pagkakaisa at pakikipagtulungan sa bawat isa upang ang hangaring mas matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan ay patuloy nating makamit.
Malasakit ang isang natatanging maipapangako ng inyong lingkod, sampu ng ating mga kasamahan sa Sangguniang Bayan na pinangungunahan ng ating kagalang-galang na Bise Alkalde Jaime “Jiggs” Duque.
Ang Bayan kong sinilangan Kay ganda mong minamasdan
Punong-puno ng pag-asa Mamamaya’y nagkakaisa Sa puso ko at isipan
Naghahari’y katahimikan Kalinisan natin Kaunlaran natin Makulay ang kapaligiran
Katulad mo ay bulaklak Sakdal bango at busilak
Kaming Iyong mga anak Sa kalinga’y busog na di hamak
Kay dangal mo aking bayan Iniaalay akinh katauhan Dahil sayo ay nakamtan
Minimithing tanging pangarap O bayan ko O bayan ko O bayan kong minamahal
Kay ganda mo bayan Kay dangal mo bayan O aming bayan ng Moncada